Lakan Takhan, Real Gold pasiklab sa Fillies & Colts

MAGKAKASUBUKAN na ang 10 tigasing kabayo sa 2019 Philracom 3-Year-Old Local Fillies; Colts Stakes Race na gaganapin ngayong araw sa pista ng San Lazaro sa Carmona, Cavite.

The post Lakan Takhan, Real Gold pasiklab sa Fillies & Colts appeared first on Abante News Online.

lakan takhan real gold pasiklab sa fillies colts - Lakan Takhan, Real Gold pasiklab sa Fillies & Colts
race - Lakan Takhan, Real Gold pasiklab sa Fillies & Colts

MAGKAKASUBUKAN na ang 10 tigasing kabayo sa 2019 Philracom 3-Year-Old Local Fillies; Colts Stakes Race na gaganapin ngayong araw sa pista ng San Lazaro sa Carmona, Cavite.

Markado sa mga tipster ng programa ng karera sina Lakan Takhan at Real Gold sa event na pasisibatin sa Race 6.

Gagabayan ni class A rider Kelvin Abobo si Lakan Takhan habang si JP Guce ang rerenda kay Real Gold.

“Mahirap na karera ‘yan, hindi nakasisiguro sina Lakan Takhan at Real Gold kasi ang daming magaga­ling na kasali, ‘yung iba tago ang pruweba, baka biglang mabulaga mga liyamadista diyan sa karera,” saad ni Ben Cordova, isang veteran karerista.

May distansyang 1,500 metro ang takbuhan kung saan nakalaan ang P500,000 sa may-ari ng unang kabayong tatawid ng meta.

Ang ibang kalahok ay sina My Jopay, Westeros, Toy For The Bigboy, Turns Gold, Royal Bell, Two Timer, Serafina at dehadong Gil’s Magic.

Nakalaan ang P225,000 sa segundo habang ibubulsa ng third at fourth placers ang halagang P125,000 at P20,000 ayon sa pagkakasunod.

Mag-uuwi rin ng P30,000 ang breeder ng winning horse na inisponsoran ng Philippine Racing Commission. (Elech Dawa)

The post Lakan Takhan, Real Gold pasiklab sa Fillies & Colts appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *