Kyrie bangas ang mukha

SUGATAN na agad si Kyrie Irving bago pa magsimula ang career niya sa Brooklyn Nets.

kyrie bangas ang mukha - Kyrie bangas ang mukha
kyrie - Kyrie bangas ang mukha

SUGATAN na agad si Kyrie Irving bago pa magsimula ang career niya sa Brooklyn Nets.

Nagkaroon ng left side facial fracture si Irving nang masiko sa isang pickup game.

Day-to-day daw ang All-Star point guard, ayon sa pahayag ng Nets nitong Miyerkoles.

Martes nang aksidenteng tamaan sa mukha si Irving sa final workouts bago umpisahan ng team ang training camp.

Sa parehong araw ay nakatakdang humarap sa media sina coach Kenny Atkinson at general manager Sean Marks.

Hindi na pumunta sa press conference si Atkinson, sinamahan na lang ang kanyang player para isailalim sa evaluation.

Sa Sabado ang umpisa ng training camp ng Brooklyn.

Pumirma sa Nets si Irving nitong July matapos ang dalawang seasons as Boston.

Sa kaagahan ng 2017-18 season, kinailangan niyang magsuot ng face mask nang magkaroon din ng facial fracture matapos masiko ng teammate noon sa Celtics na si Aron Baynes. (VE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *