Kulay ng manok nakakapagnalo

Malaki ang idinulot na perwisyo ng coronavirus (COVID-19) sa industriya ng sabong, walang bakbakan kaya hindi mailaban ng mga sabungero ang kanilang mga manok.

The post Kulay ng manok nakakapagnalo first appeared on Abante.

kulay ng manok nakakapagnalo - Kulay ng manok nakakapagnalo
sabong 8 - Kulay ng manok nakakapagnalo

Malaki ang idinulot na perwisyo ng coronavirus (COVID-19) sa industriya ng sabong, walang bakbakan kaya hindi mailaban ng mga sabungero ang kanilang mga manok.

Kasama sa naapektuhan ay ang matatandang sabungero sapagkat hindi nila masubukan ang tikas ng kanilang alagang manok na bukod sa matagal na kinokondisyon ay binabase pa sa buwan ang kulay ng balahibo na kanilang isasalpok.

Noong unang panahon at hanggang ngayon ay maraming matatandang sabungero ang tumitingin sa balahibo ng manok na kanilang ilalaban.

Paniwala nila na may balahibo o kulay ng manok na dapat ilaban sa naaayon na buwan.

Isa na si Esteban “Tata Teban” Jacobe, 58 na taon na siyang sabungero at nagsimulang mag-alaga ng manok panabong sa edad na 14-anyos.

May mga kalendaryong sinusunod ang mga matatandang sabungero kung saan ang kulay ng balahibo na dapat ilaban.

Kapag ‘New Moon’ ay ang Puti, Malatuba, Sinibalang, Bangkas at Dalusapi.

“Mainam na ilaban ang mga malilinaw na kulay na balahibo sa bagong buwan,” hayag ni Tata Teban.

Ayon sa ibang matatandang sabungero, kapag nagsisimula pa lang ang buwan, dapat ang piliin na ilaban ay ang Talisain, (Grey), Abuhin o Binabae, (Henie) at kung ‘Full Moon’ o kapag bilog ang buwan, magandang ilaban ang kulay na Alimbuyugin, Malatuba at Hiraw.

Kapag last quarter, ang dadalhin sa sabungan ay ang Mayahin.

Hindi lahat naniniwala sa ganitong paraan ng paglaban lalo na ang mga mas batang mga sabungero, dahil katwiran nila ay paa ang ipinapalo ng mga manok panabong at hindi ang balahibo.

Kaya sa mga baguhang nagsasabong, maaaring sundin pero kapag hindi umayon ay maaari rin kayong maghanap ng ibang paraan para magpanalo sa laban.

Para makasigurong matibay ang mga manok ay ikondisyon nang maayos ang mga panlaban. (Elech Dawa)

The post Kulay ng manok nakakapagnalo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *