Kramer may pa-steak sa Phoenix

Kahit hindi na miyembro ng Phoenix Super LPG si dating PBA star Doug Kramer, magpapa-blow out ito sa dating koponan.

The post Kramer may pa-steak sa Phoenix first appeared on Abante.

kramer may pa steak sa phoenix - Kramer may pa-steak sa Phoenix
abante kramer - Kramer may pa-steak sa Phoenix

Kahit hindi na miyembro ng Phoenix Super LPG si dating PBA star Doug Kramer, magpapa-blow out ito sa dating koponan.

Sa Instagram story ni JC Intal ay makikitang binati ng nasabing team si Doug at humihirit na pakainin sila ng steak kapag natapos na ang PBA Bubble season.

‘#SteakPlease’, hirit ng buong Phoenix.

Agad namang sumagot si Doug at sinabing nakahanda na ang steak pero sa isang kondisyon, pabiro nitong hinirit na magpa-PCR (covid swab test) muna sila.

“Why I miss the guys! Naka ready na ang steak pag balik @fuelmasters,” sagot naman ni Doug na sa Instagram.

“PCR muna kayo ha. Hahaha! Jk!,” dagdag pa nito.

Magugunitang noong Nobyembre 2019 ay nagretiro na mula sa 12-year career si Doug sa PBA.

Ngayon ay pokus muna ito sa kanyang pamilya at sa paggawa ng vlogs. (Aivan Episcope)

The post Kramer may pa-steak sa Phoenix first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *