Kraken, Gregzilla magsasagpangan

Clash of the Titans sa second game ng PBA Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum mamaya.

kraken gregzilla magsasagpangan - Kraken, Gregzilla magsasagpangan
ginebra san miguel - Kraken, Gregzilla magsasagpangan

Mga laro ngayon: (Araneta Coliseum)
4:30pm — Alaska vs. Rain or Shine
6:45pm — SMB vs. Ginebra

Clash of the Titans sa second game ng PBA Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum mamaya.

Ang The Kraken na si June Mar Fajardo laban kay Gregzilla Greg Slaughter.

Dez Wells kontra kay Justin Brownlee.

May Japeth Aguilar, Stanley Pringle, LA Tenorio at Scottie Thompson ang Ginebra. Arwind Santos, Christian Standhardinger, Alex Cabagnot at Chris Ross sa San Miguel Beer.

Humaharurot ang Beermen, wala pang talo sa apat na laro sa likod nina Fajardo at Wells. Nakabalik na rin si Marcio Lassiter sa lineup ni coach Leo Austria.

Finals ng nakaraang Commissioner’s Cup noong August ay tengga na si Lassiter dahil sa knee injury.

Nasa likod lang ng 5-0 TNT ang SMB.

Sa kabilang banda, isa pa lang sa tatlong laro ang naipapanalo ng Gin Kings at nakatambay sa eighth place. Huling talo ng Ginebra noong Sabado sa Dubai, nalusaw ang 28-point lead at yumuko sa NLEX 113-111 sa overtime.

“I’m sure, coming from a loss ‘yung Ginebra sa Dubai, and they had a lot of time to prepare,” ani Austria pagkatapos ng manipis na 90-89 win sa Magnolia noong Biyernes. (VE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *