Kouame, Blue Eagles dadagitin ang Warriors

WALANG balak na magpaawat sina Ange Kouame at Ateneo de Manila University Blue Eagles sa laban kontra sa University of the East Red Warriors sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa SM Mall of Asia Arena.

kouame blue eagles dadagitin ang warriors - Kouame, Blue Eagles dadagitin ang Warriors
koume - Kouame, Blue Eagles dadagitin ang Warriors

Mga laro ngayon:

(Mall of Asia Arena)

10:30am — NU vs FEU

12:30pm — UE vs Ateneo

4:00pm — UP vs DLSU

WALANG balak na magpaawat sina Ange Kouame at Ateneo de Manila University Blue Eagles sa laban kontra sa University of the East Red Warriors sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa SM Mall of Asia Arena.

Unang magtatagpo ang NU Bulldogs (0-5) versus FEU Tamaraws (2-3) alas-10:30 ng umaga na susundan ng match-up sa pagitan ng Ateneo (5-0) at UE (1-4) alas-12:30 ng tanghali.

Nasungkit ng Ateneo ang kanilang fifth consecutive win nitong Linggo laban sa NU, 71-50.

Namuno sa opensa ng koponan si Kouame na may double-double na 15 points, 13 rebounds, pitong blocks, tatlong assisst at dalawang steals.

“I’ve seen UE a couple of times. They’re dangerous like every team in the UAAP. They’ve had a good win, people think it’s a surprise win but I don’t think there are too many surprises in the UAAP this year. All the games are close, competitive so again our challenge is to learn as much as we can about UE’s system over the next couple of days and most importantly, through the whole preparation time period is to respect our opponent,” sabi ni Ateneo head coach Tab Baldwin.

Katulong sa panalo sina Gian Mamuyac na nagtala ng 13 points, tatlong rebounds at Thirdy Ravena na may walong puntos at pitong rebounds.

Samantala, hindi naman nakaporma ang panig ng UE nitong Sabado kontra sa UP Fighting Maroons, 56-62. (Janiel Abby Toralba)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *