Kitakits sa Indang

defense-minister-jerry-codinera

Kung kayo ay mapapadaan ng gawing Cavite City may bagong bukas na restaurant diyan na TINAMARIE na pagmamay-ari ni Marie Solis na siya kong kumare.

The post Kitakits sa Indang appeared first on Abante News Online.

kitakits sa indang - Kitakits sa Indang
defense minister jerry codinera - Kitakits sa Indang

Kung kayo ay mapapadaan ng gawing Cavite City may bagong bukas na restaurant diyan na TINAMARIE na pagmamay-ari ni Marie Solis na siya kong kumare.

Kabubukas lang nitong nakaraang Sabado, masasarap ang mga putahe at sigurado malinis at mura.

Sa kumpare kong George Ella congratulations sa iyong ika-60th birthday. Ang selebrasyon ay ginanap nitong nakaraang linggo sa Discovery Suites sa may Ortigas. Nakasama ko si George sa UE Warriors kung saan kami nag-back to back champion kasama siyempre si ‘Triggerman’ Allan Caidic, Orlie Javier, Godo Lim Uy, Paul Trillana at Maning Torres.

Sa PBA update, dahil sa bilis ng social media, may nag-upload ng balita na nakita na naman si Calvin Abueva na naglaro sa labas habang siya ay under suspension.

Kung ang mga laro ay exhibition game o ‘di kaya fun game lang kadalasan ay pinapahintulutan ng mga team ‘yan. Pero kung ang laro ay liga na may malaking tsansa na mapilayan o ma­disgrasya ang player, hindi ito pinapayagan.

Depende na talaga ‘yan sa iyong mother team, siyempre napa­kalaki ng investment ng mga team sa player tapos madidisgrasya lang.
Paano na lang ang napipintong apila ng Phoenix Fuel Masters na ma-reinstate si Calvin sa PBA kung ganyan na naman ang haharapin nila na problema?
Masusubukan ang liderato dito nila Comm. Willie Marcial. Kaya abangan natin sa mga susunod na linggo kung ano ang magi­ging sitwasyon ni Calvin sa PBA.

Etong darating na July 27, Saturday, makakasama ko ang ilang artista sa Indang, Cavite para sa isang exhibition game. Ito ay sa pamamagitan ng pag-invite sa atin ni Board Member Jestoni Alarcon.
Kitakits mga ka­tropa!

The post Kitakits sa Indang appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *