Kingship hari sa Condition Race

SINILAT ni Kingship ang liyamadong si Magic Blast sa Condition Race Merged Category 10 nitong Sabado ng hapon sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.

kingship hari sa condition race - Kingship hari sa Condition Race
race 10 - Kingship hari sa Condition Race

SINILAT ni Kingship ang liyamadong si Magic Blast sa Condition Race Merged Category 10 nitong Sabado ng hapon sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.

Kahit naglutsahan sa unahan nanatiling matatag si Kingship na sinakyan ni class A rider Dan Camanero para makuha ang panalo 1,300 meter race.

Nirehistro ni Kingship ang 1:16. 8 minuto sa nasabing distansya, nanalo pa ng may tatlong kabayo ang distansya sa nasegundong si Magic Blast.

Sinunggaban agad ni Kingship ang unahan sa largahan pero kinapitan agad siya ni The Accountant at pilit na kinukuha ang bandera.

Bumuwelo lang ang winning horse at sa kalagitnaan ng karerahan ay umungos na si Kingship ng bahagya bago lumayo papasok ng huling kurbada.

“Nasa tabing balya kami kaya ‘di ko minadali si Kingship, noong malapit na sa hometurn ay gumalaw na kami para sa rektahan ay mainit na siya,” ani Camanero.

Tumersero si The Accountant habang pumang-apat si Morning Breeze. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *