King Tiger nakasilat

Butas ang bulsa ng mga liyamadista nang makasilat ang dehadong si King Tiger sa 25th MARHO Breeder’s 2-Year-Old Juvenile Colts & Fillies Race sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite Linggo ng hapon.

The post King Tiger nakasilat first appeared on Abante.

king tiger nakasilat - King Tiger nakasilat
abante horse 1 - King Tiger nakasilat

Butas ang bulsa ng mga liyamadista nang makasilat ang dehadong si King Tiger sa 25th MARHO Breeder’s 2-Year-Old Juvenile Colts & Fillies Race sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite Linggo ng hapon.

Kumaripas agad sa unahan, nanatili sa far turn, lumamang ng limang kabayo sa huling kurbada, at umabot sa nim sa rektahan si King Tiger na nirendahan ni class A rider O’Neal Cortez upang masorpresa si outstanding favorite Work From Home.

“Ang husay ni King Tiger, pagkakuha ng unahan kita mong hindi na niya bibitawan ang bandera,” masayang bulalas ni Carlito Nicolas, isang mananaya sa Off-Track Betting station sa Maynila.

Tinahak ni King Tiger ang 1,400-meter race sa 1:32 upang ibulsa ang P300,000 top prize, second placer na may P112,500 si Work From Home, tersero si Chief Maurice na nagsubi ng P62,500 habang pang-apat si Cole Is Cool na inuwi ang P25,000. (Elech Dawa)

The post King Tiger nakasilat first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *