Kim GM ng Marlins, una sa Major League

NAGSAGAWA ng malaking hakbang ang Miami Marlins sa pagkuha sa serbisyo ni Kim Ng bilang bago nitong general manager at unang babaeng GM sa Major League Baseball.

The post Kim GM ng Marlins, una sa Major League first appeared on Abante.

kim gm ng marlins una sa major league - Kim GM ng Marlins, una sa Major League
kim ng - Kim GM ng Marlins, una sa Major League

NAGSAGAWA ng malaking hakbang ang Miami Marlins sa pagkuha sa serbisyo ni Kim Ng bilang bago nitong general manager at unang babaeng GM sa Major League Baseball.

Inihayag ng koponan ang malaking pagabago sa koponan Biyernes na inaasahang malaki ang epekto sa liga.

Ang 51-anyos na si Ng ay nagsisilbi bilang MLB senior vice president ng baseball operations sa nakalipas na siyam na taon, kung saan ito ang highest-ranking Asian American female baseball executive.

Nagsilbi din si Ng bilang assistant general manager para sa New York Yankees at Los Angeles Dodgers, katulong ang mga koponan na nakasampa sa playoffs ng walong beses at nagwagi ng tatlong World Series titles.

“On behalf of Principal Owner Bruce Sherman and our entire ownership group, we look forward to Kim bringing a wealth of knowledge and championship-level experience to the Miami Marlins,” sabi ni Marlins CEO Derek Jeter. (Lito Oredo)

The post Kim GM ng Marlins, una sa Major League first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *