Kiefer ‘bibinyagan’ ulit laban sa Phoenix

TAPOS na ang 18-month suspension ni Kiefer Ravena mula sa FIBA, nakapaglaro na nga siya sa Gilas Pilipinas ni coach Yeng Guiao sa World Cup.

kiefer bibinyagan ulit laban sa phoenix - Kiefer ‘bibinyagan’ ulit laban sa Phoenix
kiefer 4 - Kiefer ‘bibinyagan’ ulit laban sa Phoenix

Mga laro ngayon:

(Smart Araneta Coliseum)

4:30pm — Phoenix vs. NLEX

6:45pm — Meralco vs. Magnolia

TAPOS na ang 18-month suspension ni Kiefer Ravena mula sa FIBA, nakapaglaro na nga siya sa Gilas Pilipinas ni coach Yeng Guiao sa World Cup.

Bokya ang Filipinos sa limang laro sa China, pero nakitang hindi nawala ang angas ng dating laro ng The Phenom.

Ngayong araw ang unang balik ni Ravena sa PBA sapul noong May 2018 bago ang All-Star weekend.

Mabibinyagan si Ravena sa pakikisagupa ng NLEX Road Warriors sa nag-retool na Phoenix sa first game ngayong araw sa Smart Araneta Coliseum. Bakbakan sa nightcap ang Meralco at defending champion Magnolia Pambansang Manok.

Full force na ang Road Warriors, inaasahang makakalaro na si Kevin Alas at mabubuo na muli ang backcourt tandem nila ni Ravena.

Lamang ang Fuel Masters 3-2 sa Raon Warriors sa head-to-head sa nakalipas na limang conferences, pero natalo 87-85 sa Commissioner’s Cup noong July 12. Wala pa noon si Ravena.

“It will be a tough one,” wika ni Phoenix coach Louie Alas. “Last conference natalo kami kahit wala si Ravena. It’ll be tougher now.”

Hindi lingid kay Ravena ang mga pambabatikos sa kanya na hindi raw siya ready noon sa World Cup. Wala na raw siyang dahilan ngayon para hindi itodo ang laro sa NLEX. (VE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *