Khabib inalok ng P4.8B sa sapakan kay Floyd

Nakatanggap ng $100 million (lampas P4.8 bilyon) na alok si mixed martial arts superstar Khabib Nurmagomedov upang makatapat sa isang boxing match si undefeated boxer Floyd Mayweather Jr.

The post Khabib inalok ng P4.8B sa sapakan kay Floyd first appeared on Abante.

khabib inalok ng p4 8b sa sapakan kay floyd - Khabib inalok ng P4.8B sa sapakan kay Floyd
12 - Khabib inalok ng P4.8B sa sapakan kay Floyd

Nakatanggap ng $100 million (lampas P4.8 bilyon) na alok si mixed martial arts superstar Khabib Nurmagomedov upang makatapat sa isang boxing match si undefeated boxer Floyd Mayweather Jr.

Ayon kay Ali Abdelaziz, manager ng retiradong UFC champion, handa ring kumasa rito si UFC president Dana White.

“Listen, we got offered $100 million to fight Floyd Mayweather. Dana White was on board, everybody was on board. But, you know, Khabib is an MMA fighter. If Floyd wanted to come to fight [in MMA], get his little ass whooped, no problem,” lahad ni Abdelaziz sa TMZ.

Huling lumaban si Nurmagomedov (29-0) noong Oktubre nakaraang taon nang pabagsakin nito si Justin Gaethje sa UFC 254 Lightweight bout sa Abu Dhabi bago ianunsyo ang kanyang pagreretiro.

Sa kabilang dako, taong 2017 naman nang huling lumaban si Mayweather kontra kay UFC star Conor McGregor habang umaksyon naman ito sa isang exhibition match noong 2018 laban kay Japanese kickboxer Tenshin Nasukawa.

Nakalinya ngayong 2021 si Mayweather kontra kay YouTuber icon Logan Paul sa darating na Pebrero 25 para sa isang exhibition bout. (JAToralba)

The post Khabib inalok ng P4.8B sa sapakan kay Floyd first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *