Kevlar, Narrative bet ng mga tipster

TAMPOK ang bakbakan ng mga batang kabayo sa Juvenile Colts at Fillies ngayong araw sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

The post Kevlar, Narrative bet ng mga tipster first appeared on Abante.

kevlar narrative bet ng mga tipster - Kevlar, Narrative bet ng mga tipster
kabayo - Kevlar, Narrative bet ng mga tipster

TAMPOK ang bakbakan ng mga batang kabayo sa Juvenile Colts at Fillies ngayong araw sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Mag-uunahan sa meta ang 11 tigasing kabayo sa Fillies sa distansyang 1,600 metro.

Maugong ang magkakamping sina Kevlar at Narrative, Meteora at Charm Bell, tiyak na sila ang mabenta sa takilya pag-arangkada sa Race 4.

Kasali rin sina Kiss Muna, Flattering You, Lovely Julliane, Forest Gump, Money Changer, Kailanggaman island at Isla Puting Bato.

Walo naman ang kasali sa Colts race pero may isang coupled entry.

Si Work Bell ang pinapatok ng karera tipsters sa Colts race, makakaharap niya sina Stayinthemoment, magka-kuwadrang Bravo at Ambisioso, My Sweet Lord, La Casa De Papel, Nuclear Bomb at Tiger Boy.

Parehong tatanggap ng P900,000 na premyo ang owner ng unang kabayong tatawid sa meta sa Colts at Fillies. (Elech Dawa)

The post Kevlar, Narrative bet ng mga tipster first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *