Kerr reresbakan si LeBron, Lakers

LUMAKI sa Los Angeles si Steve Kerr, nakamulatan na niyang tsini-cheer ang LA sports teams – Dodgers, Lakers, Clippers.

The post Kerr reresbakan si LeBron, Lakers first appeared on Abante.

kerr reresbakan si lebron lakers - Kerr reresbakan si LeBron, Lakers
abamte kerr lebron - Kerr reresbakan si LeBron, Lakers

LUMAKI sa Los Angeles si Steve Kerr, nakamulatan na niyang tsini-cheer ang LA sports teams – Dodgers, Lakers, Clippers.

Pero ngayon ay nasa Bay Area na siya sa San Francisco, coach ng Golden State Warriors na mahigpit na karibal ng Lakers.

“I was a Laker fan for most of my childhood, but now I can’t stand them,” pahayag ni Kerr sa The Associated Press. “Things change.”

Natiyempuhan ni Janie McCauley si Kerr sa Chase Center sa San Francisco habang inihuhulog ang balota sa 2020 general election.

Iba na nga raw ngayon.

Nagbunyi pa rin si Kerr nang maging World Series champions muli ang Dodgers makalipas ang 32 years.

Nauna ng ilang araw lang ang Lakers na nagtaas ng 17th title, una sapul noong 2010.

Bago dumating si Kerr sa Bay Area, palabigasan sa Western Conference ang Warriors. Nagkaroon ng 360-degree turnaround mula 2014 haggang 2019 nang sila naman ang pinakamabangis.

Dumating si LeBron James sa LA, binawi ng Lakers ang bola.

Kapag nabuo ang team ni Kerr sa 2020-21 season, hindi malayong magkrus ang landas nila ng dati niyang favorite team. (VE)

The post Kerr reresbakan si LeBron, Lakers first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *