Kawhi, Clippers pinaamo Bulls

Umiskor si Kawhi Leonard ng season-high 35 kasama ang kinolektang 10,000th ng career at sinagasaan ng Los Angeles Clippers ang Chicago Bulls 130-127 Linggo ng gabi.

The post Kawhi, Clippers pinaamo Bulls first appeared on Abante.

kawhi clippers pinaamo bulls - Kawhi, Clippers pinaamo Bulls
abante clippers 1 - Kawhi, Clippers pinaamo Bulls

Umiskor si Kawhi Leonard ng season-high 35 kasama ang kinolektang 10,000th ng career at sinagasaan ng Los Angeles Clippers ang Chicago Bulls 130-127 Linggo ng gabi.

Narating ni Kawhi ang milestone sa pamamagitan ng isa sa kanyang limang 3-pointers sa third quarter nang maglista ng 21 points sa period.

Ang points at 3-pointers made ang pinakamarami sa isang quarter sa kanyang career. Sa huling long-range bomb ni Leonard ay inagaw ng LA ang lead sa unang pagkakataon sapul nang ibaon ang unang basket ng laro.

Pinantayan ni Leonard ang career-high niyang seven 3-pointers.

Umayuda si Paul George ng 28 points, 7 rebounds at 9 assists para maagang kalsuhan sa dalawa ang losing skid ng Clippers. May 21 off the bench si Lou Williams.

Nasapawan ang mainit na ratsada ni Chicago gunner Zach LaVine sa labas ng arc.

Anim na Bulls ang sumuwag ng double figures sa pangunguna ng season-high 45 points ni LaVine mula sa season-best 10 3-pointers. Kapos ito ng apat sa kanyang career-high. (VE)

The post Kawhi, Clippers pinaamo Bulls first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *