Kawhi, Clippers bago ang taktika

Huwag lang magkakaroon ng aberya sa ultimo-ora, all-in ang Lakers sa season-opener kontra Clippers ngayon sa shared arena nilang Staples Center sa Los Angeles.

The post Kawhi, Clippers bago ang taktika first appeared on Abante.

kawhi clippers bago ang taktika - Kawhi, Clippers bago ang taktika
Kawhi Leonard - Kawhi, Clippers bago ang taktika

Huwag lang magkakaroon ng aberya sa ultimo-ora, all-in ang Lakers sa season-opener kontra Clippers ngayon sa shared arena nilang Staples Center sa Los Angeles.

Kumpleto sa huling praktis ang Lakers, umaasa si coach Frank Vogel na walang butaw ang roster sa opener.

Pati si Dennis Schroder ay nag-ensayo na. Hindi siya naglaro kontra Phoenix noong Biyernes sa preseason finale dahil sa mild ankle sprain.

Binitin lang ni Vogel ang kanyang preferred starting five laban kina Kawhi Leonard, Paul George at Clippers.

“We’re gonna hold the starting lineup and reveal it on Tuesday night before the game,” anang coach.

Garantisado ang spot nina LeBron James at Anthony Davis sa starting five. Posibleng starter din si Pau Gasol na tanging lehitimong center sa roster, at maaaring sina Schroder at Kentavious Caldwell-Pope ang bubuo sa lima.

Mas posibleng manggagaling sa bench sina Alex CarusoTalen Horton-Tucker at Quinn Cook sa guard, at si Kyle Kuzma sa 3.

Sa kabilang banda, binalita ni Clippers coach Ty Lue na balak niyang i-revise ang triangle offense kay Leonard. Makikita ‘yun habang tumatagal ang season.

Ginamit ni Phil Jackson ang triangle noon kay Michael Jordan sa Bulls, at kay Kobe Bryant sa Lakers. Natutunan din ‘yun ni Lue dahil player siya ni Jackson nang magkampeon si Kobe at Lakers noong 2000 at 2001. (VE)

The post Kawhi, Clippers bago ang taktika first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *