Kawhi binalikat ang Clippers

IKINAMPAY ng Los Angeles Clippers ang 96-85 panalo kontra Denver Nuggets para ilista ang kampanteng 3-1 lead sa kanilang West semifinals series sa Orlando bubble nitong Miyerkoles.

The post Kawhi binalikat ang Clippers first appeared on Abante.

kawhi binalikat ang clippers - Kawhi binalikat ang Clippers
kawhi 1 - Kawhi binalikat ang Clippers

IKINAMPAY ng Los Angeles Clippers ang 96-85 panalo kontra Denver Nuggets para ilista ang kampanteng 3-1 lead sa kanilang West semifinals series sa Orlando bubble nitong Miyerkoles.

Isang panalo pa sa Game 5 bukas, sa unang pagkakataon ay biyaheng conference finals ang Clippers.

Maagang namuhunan ng 26-12 lead pagkatapos ng first quarter ang LA, hindi na pinapormang makalapit ang Nuggets.

Bumandera ang 30 points, 11 rebounds at 9 assists ni Kawhi Leonard sa Clippers, hindi na masyadong ramdam ang 10 points at tig-3-rebounds at assists ng partner niyang si Paul George.

Off the bench ay nag-ambag ng 15 si Montrezl Harrell sa LA, may 12 si Lou Williams at 11 points, 9 rebounds kay Ivica Zubac.

Nasapawan ang 26 markers, 11 boards at 6 dimes ni Nikola Jokic sa Denver. Umayuda ng 18 points at 7 feeds si Jamal Murray. (VE)

The post Kawhi binalikat ang Clippers first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *