Kat bobomba na

Balik na sa Pilipinas si Premier Volleyball League (PVL) ace skipper Kat Tolentino matapos ang mahabang panahong pananatili sa Canada kasama ang kanyang pamilya dahil sa coronavirus pandemic.

The post Kat bobomba na first appeared on Abante.

kat bobomba na - Kat bobomba na
abante kat tolentino - Kat bobomba na

Balik na sa Pilipinas si Premier Volleyball League (PVL) ace skipper Kat Tolentino matapos ang mahabang panahong pananatili sa Canada kasama ang kanyang pamilya dahil sa coronavirus pandemic.

Kasama ang kanyang kapatid na si PBA cager Vince Tolentino, bumiyahe na ang mga ito pa-Maynila.

Hindi naman umano naging madali para sa Choco Mucho Flying Titans opposite hitter ang magpaalam at mahiwalay sa kanyang pamilya.

Sey ni Tolentino sa kanyang Instagram post, “goodbyes never get easier especially after almost a year with my quarantine bubble. Until next time, love you all.”

Kasama ang PVL sa mga sporting event na nahinto mula nang ideklara ang lockdown noong Marso sanhi ng pagputok ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa kabila nito, handa na si Tolentino na magpakondisyon sakaling magbalik na ngayong taon ang mga torneo aa PVL. (JAToralba)

The post Kat bobomba na first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *