Karera arangkada sa Setyembre 6

NAKATAKDANG pasibatin ang unang karera sa Setyembre 6 sa Metro Turf sa Malvar, Batangas sapul nang matigil ang operasyon noong Marso dahil sa coronavirus.

The post Karera arangkada sa Setyembre 6 first appeared on Abante.

karera arangkada sa setyembre 6 - Karera arangkada sa Setyembre 6
abante karera - Karera arangkada sa Setyembre 6

NAKATAKDANG pasibatin ang unang karera sa Setyembre 6 sa Metro Turf sa Malvar, Batangas sapul nang matigil ang operasyon noong Marso dahil sa coronavirus.

Sinabihan ni Kenneth Ronquillo, secretariat head ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Infectious Diseases ang Philippine Racing Commission (Philracom) na inaprubahan na ang kanilang request na buksan na ang horse racing activities.

Pinayagan ng IATF na magbukas ang karerahan matapos alisin ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa National Capital Region at mga kalapit na probinsiya.

Pinayagan din ng IATF ang Telebet at Off-Site Betting sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) subalit hindi ang Off-Track Betting station (OTB).

Mahigpit naman ipatutupad ng Philracom ang health protocols sa mga venue ng karerahan upang magpatuloy ag karera.

“We will be strict in our enforcement of the health protocols set by the Department of Health, such as social distancing, the wearing of face masks and shields, and the washing of hands,” hayag ng Philracom.

“We owe it to the sport to keep everyone involved as safe as possible. We want horse-racing to be back on its feet so that we can continue helping our government raise funds for its programs.

Magkakaroon ng mga stakes race at magsisimula ito sa Setyembe 13. (Elech Dawa)

The post Karera arangkada sa Setyembre 6 first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *