Kapag pasaway pa rin Abueva itatapat sa ‘DDS’

Davao Death Squad (DDS) na ang didisiplina kay Phoenix Super LPG star forward Calvin Abueva kapag pasaway pa rin ito sakaling tuluyan nang makapaglarong muli sa PBA.

The post Kapag pasaway pa rin Abueva itatapat sa ‘DDS’ first appeared on Abante.

kapag pasaway pa rin abueva itatapat sa dds - Kapag pasaway pa rin Abueva itatapat sa ‘DDS’
abante calvin 3 - Kapag pasaway pa rin Abueva itatapat sa ‘DDS’

Davao Death Squad (DDS) na ang didisiplina kay Phoenix Super LPG star forward Calvin Abueva kapag pasaway pa rin ito sakaling tuluyan nang makapaglarong muli sa PBA.

Iyan ang ni Senator Bong Go sa suspended Phoenix player na si Abueva oras na maging pasaway uli ito.

“Pakiusap, iparating mo ‘yan sa kanya kasi kung hindi, sabihin ko kay Pangulong (Rodrigo) Duterte, mag-import ng mga DDS sa Davao para disiplinahin,” bilin ni Go kay GAB chairman Baham Mitra sa Senate hearing kamakalawa.

Hindi itinanggi ng senador na idol nito si `The Beast’ kaya kung siya ang tatanungin, gusto nitong makabalilk na ang player.

“Kung sa tingin po ninyo ay nagbagong buhay na siya, at mangangako po siya na talagang maglalaro to entertain the Filipinos, susuportahan ko po na maibalik sa kanya ‘yung kanyang license,” saad pa ng Senate Health and Sports Committee chair.

Ang `DDS’ ay nangangahulugang Davao Death Squad at kalaunan ay naging popular internet word na `Duterte Defense Squad’ o `Diehard Duterte Supporters.’ (Aivan Episcope)

The post Kapag pasaway pa rin Abueva itatapat sa ‘DDS’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *