Kanjana kumana sa Generika

Kanjana kumana sa Generika

AYAW mabaon sa ilalim ang Generika-Ayala Lifesavers kaya ginawa nila ang lahat para pigilin ang nag-uumentong United Volleyball Club.

The post Kanjana kumana sa Generika appeared first on Abante News Online.

kanjana kumana sa generika - Kanjana kumana sa Generika
generika 2 - Kanjana kumana sa Generika

AYAW mabaon sa ilalim ang Generika-Ayala Lifesavers kaya ginawa nila ang lahat para pigilin ang nag-uumentong United Volleyball Club.

Kumayod si Thai import Kanjana Kuthaisong ng 19 attacks upang tulungan ang Lifesavers na kalusin ang United VC 25-23, 21-25, 19-25, 27-25, 15-12 kahapon sa Phi­lippine Superliga Grand Prix sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.
Umiiwas ang mga team na nasa ilalim na makaharap ang No. 1 at 2 sa quarterfinals pagkatapos ng double round robin.
Ito’y dahil may twice-to-beat advantage ang top two teams sa susunod na phase.

Tinapos ni Kuthaisong ang laban matapos ang malutong na palo nito para ilista ang hu­ling puntos ng laban sa event na suportado ng Asics, Mueller, Mikasa, Senoh, Team Rebel Sports, Bizooku, UCPB Gen, Cocolife, Hotel Sogo at Data Project.

Pagkakataon sana ng UVC na maitakas ang panalo, nanaig sila sa sets 2 at 3, sa set four ay nakalamang sila ng 22-18 at nauna pa sila sa match point, 24-23 pero nagwagi pa rin ang Generika-Ayala kaya nasagad sa limang set.
Nanatili sa pang-apat na puwesto ang United VC kapit ang 5-5 record.

The post Kanjana kumana sa Generika appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *