Kamao ni Casimero iniiwasan ni Inoue

Aminado si World Boxing Association (WBA) at International Boxing Federation (IBF) bantamweight champion Naoya Inoue na takot siya sa kamao ni World Boxing Organization (WBO) bantamweight titlist John Riel Casimero.

The post Kamao ni Casimero iniiwasan ni Inoue first appeared on Abante.

kamao ni casimero iniiwasan ni inoue - Kamao ni Casimero iniiwasan ni Inoue
inoue - Kamao ni Casimero iniiwasan ni Inoue

Aminado si World Boxing Association (WBA) at International Boxing Federation (IBF) bantamweight champion Naoya Inoue na takot siya sa kamao ni World Boxing Organization (WBO) bantamweight titlist John Riel Casimero.

Pero hindi nangangahulugan na aatras si Inoue sa hamon ng Pinoy boxer.

Ayon kay Japanese fighter Inoue, paghahandaan nito ang knockout punch ni Casimero.

“Casimero has one-punch knockout power, but he has a lot of other weaknesses as well,” hayag ni Inoue sa BoxingScene.

Katatapos lang depensahan ni Inoue ang kanyang korona, walang hirap nitong pinabagsak si Australian Jason Moloney sa seventh round sa MGM Grand Conference Center sa Las Vegas, Nevada.

Naudlot ang paghaharap nina Inoue at Casimero noong Abril 25 dahil sa pag-atake ng coronavirus (COVID-19) kaya desidido ang dalawa na matuloy ang kanilang upakan. (Elech Dawa)

The post Kamao ni Casimero iniiwasan ni Inoue first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *