Kalei, women’s team kinapos vs Indonesia

KINAPOS ang naghahanda sa 30th Southeast Asian Games na Philippine women’s volleyball team kontra Indonesia sa matinding limang set tungo sa 2-3 kabiguan sa iskor na 21-25, 28-26, 25-12, 18-25, 8-15 sa bagong organisa na Southeast Asia Grand Prix na ginaganap sa Terminal 21 sa Korat, Nakhon Ratchasima, Thailand.

kalei womens team kinapos vs indonesia - Kalei, women’s team kinapos vs Indonesia
volleyball 5 - Kalei, women’s team kinapos vs Indonesia

KINAPOS ang naghahanda sa 30th Southeast Asian Games na Philippine women’s volleyball team kontra Indonesia sa matinding limang set tungo sa 2-3 kabiguan sa iskor na 21-25, 28-26, 25-12, 18-25, 8-15 sa bagong organisa na Southeast Asia Grand Prix na ginaganap sa Terminal 21 sa Korat, Nakhon Ratchasima, Thailand.

Nagpamalas ng matinding laro ang mga Pinay volleyball sa ikalawa at ikatlong set kung saan itinakas nito ang 28-26 at 25-12 panalo upang umahon sa unang set bago na lamang nagsimulang magtamo ng mga error sa ikaapat tungo sa pagtatabla sa 2-2 iskor.

Ikalawang laro ng mga Pinay volleybelle ang Thailand ngayong alas-6:30 ng gabi bago sagupain sa ikatlo at huling laro ang Indonesia sa Linggo.

Ang ikalawang leg ng SEA Grand Prix ay isasagawa sa Sta. Rosa, Laguna sa Oktubre 4-6.

Ang Philippine Team ay binubuo nina Fil-Am Kalei Mau at Alohi Robbins-Hardy kasama ang homegrown na sina Julia Morado, Eya Laure, Abigail Marano, Mary Joy Baron, Maddie Madayag, Roselyn Doria, Frances Molina, Aiza Pontillas, Mylene Paat, Jovelyn Gonzaga, Dawn Macandili at Kath Arado.

Hindi naman nakasama sa torneo si Iris Tolenada na hindi pinayagan ng kanyang koponan.

Hindi din nakasama si Alyssa Valdez, na nagtamo ng ankle sprain ilang araw bago umalis ang koponan patungo sa Thailand, at si Mika Reyes, na patuloy na nagpapagaling sa knee injury. (Lito Oredo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *