Kalei F2, Pinakaba ang Generika-Ayala

PINAWISAN nang todo ang powerhouse F2 Logistics Cargo Movers bago nila kinalos sa limang set ang makukulit na Generika-Ayala Lifesavers, 25-19, 25-27, 25-22, 18-25, 15-13, kagabi sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

The post Kalei F2, Pinakaba ang Generika-Ayala appeared first on Abante News Online.

kalei f2 pinakaba ang generika ayala - Kalei F2, Pinakaba ang Generika-Ayala
ABANTE mau 1 - Kalei F2, Pinakaba ang Generika-Ayala
MUNTIK NA!
 
 
Mga laro sa Martes:
(Ynares Center, Antipolo)
4:15pm — Petron vs Sta. Lucia7:00pm — F2 Logistics vs Marinerang Pilipina
PINAWISAN nang todo ang powerhouse F2 Logistics Cargo Movers bago nila kinalos sa limang set ang makukulit na Generika-Ayala Lifesavers, 25-19, 25-27, 25-22, 18-25, 15-13, kagabi sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.
 
Nagtulungan sina Fil-American Kalei Mau, Majoy Baron at Dawn Macandili upang sagipin ang Cargo Movers­ at panatilihing malinis ang karta sa 10 laro.
 
Umahon ang F2 Logistics sa 5-8 pagkakalubog sa fifth frame, humataw sila ng 8-4 run para maagaw ang unahan, 13-12.
 
“Ang hirap nila kalaban ngayon kasi ang lakas ng depensa nila lalo na sa floor defense,” saad ni Baron.
 
Impresibo ang ipinakitang laro ni Macandili na nagtala ng 43 excellent sets upang ikalat ang mga puntos sa kanyang mga kakampi. 
 
Nalasap ng Lifesavers ang pang-limang talo sa 11 laro.
Nakahirit ng deciding fifth set ang Generika-Ayala matapos uminit ang opensa ni Fiola Ceballos.
 
Lumamang ng apat na puntos ang Lifesavers, 12-8 matapos ang back-to-back kills ni Ceballo sa set four. (Elech Dawa) 
 

The post Kalei F2, Pinakaba ang Generika-Ayala appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *