Kai pasiklab sa dakdak

HINDI nagpatinag si 7-foot-2 Kai Zachary Sotto sa unang laro nito para sa Team Ignite kasagupa ang Team Veterans kung saan nakuha nito ang kumpiyansa ni coach Brian Shaw matapos ang NBA G League Practice and Scrimmage sa Ultimate Fieldhouse sa Walnut Creek, California.

The post Kai pasiklab sa dakdak first appeared on Abante.

kai pasiklab sa dakdak - Kai pasiklab sa dakdak
kai 6 - Kai pasiklab sa dakdak

HINDI nagpatinag si 7-foot-2 Kai Zachary Sotto sa unang laro nito para sa Team Ignite kasagupa ang Team Veterans kung saan nakuha nito ang kumpiyansa ni coach Brian Shaw matapos ang NBA G League Practice and Scrimmage sa Ultimate Fieldhouse sa Walnut Creek, California.

Nagtala si Sotto ng kabuuang limang puntos, kasama ang limang rebounds at dalawang block sa kabiguan ng kanyang koponan kontra Veterans, 113-107.

Isa sa highlight ng laro ang pasa kay Kai sa gitna para sa solo dunk.

“Overall, I was really, really happy with the effort and what I saw today,” sabi ni Shaw. “Especially in terms of physicality and intensity.”

Pinuri at ikinatuwa ni coach Shaw ang ipinamalas na depensa ni Sotto, ang energy ni Isaiah Todd at opensa naman ni Daishen Nix sa pagsasalita nito sa press conference.

Nagtala para sa Team Ignite ng 26-puntos si Jonathan Kuminga at 22-puntos sa Fil-Am na si Jalen Green. (Lito Oredo)

The post Kai pasiklab sa dakdak first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *