Kai kulang sa bugbog

BILANG beteranong mentor, nagbigay ng payo at komento si former Gilas head coach Chot Reyes para kay Pinoy NBA prospect Kai Zachary Sotto.

kai kulang sa bugbog - Kai kulang sa bugbog
kai 2 - Kai kulang sa bugbog

BILANG beteranong mentor, nagbigay ng payo at komento si former Gilas head coach Chot Reyes para kay Pinoy NBA prospect Kai Zachary Sotto.

Kung sa husay, kumpiyansa si long-time Gilas coach Chot sa skills ni 7-foot-2 star.

“I have no worries about Kai’s skills because he has all the skills for a basketball player,” pahayag ni 57-anyos tactician sa Tiebreaker Vodcast Coaches Unfiltered.

Pero mukhang hindi pa kuntento si Chot dahil kailangan pa rin aniya itong mabugbog para mas lalo pang tumikas.

“He needs to toughen up, kailangan niya mabugbog, play against people who are bigger, stronger, and better than he is, which he will never get here.”

Bagama’t nagbigay-paalala ay saludo pa rin ni Reyes kay Ateneo star Sotto dahil nasa tamang landas aniya ito sa kanyang karera.

“For now, that’s the best option because the people behind G League are also the NBA people. This is a project of the NBA so it’s a good strategically for Kai to be there so he’s already in the NBA radar and part of the NBA family,” ani Chot. (Aivan Episcope)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *