Kai, Kobe, Ricci swak sa SEA Games pool

KABUUANG walong collegiate players at 16 na propesyonal na manlalaro ang kabilang sa unang listahan na isinumite ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) bago ang pagbibitiw ni national coach Joseller “Yeng” Guiao para isabak sa ihohost ng bansa na ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games.

kai kobe ricci swak sa sea games pool - Kai, Kobe, Ricci swak sa SEA Games pool
kaixkobexricci - Kai, Kobe, Ricci swak sa SEA Games pool

KABUUANG walong collegiate players at 16 na propesyonal na manlalaro ang kabilang sa unang listahan na isinumite ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) bago ang pagbibitiw ni national coach Joseller “Yeng” Guiao para isabak sa ihohost ng bansa na ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games.

Kabilang dito ang inihahanda para sa FIBA World Cup 2023 na sina 7-foot-2 Kai Sotto, Kobe Paras at Ricci Rivero na parte ng Gilas Pilipinas pool mula sa collegiate league na inaasahang isasabak para sa pagdedepensa ng bansa sa gintong medalya sa 2019 SEA Games.

Sinabi ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio na ang walong amateur at 16 na PBA player ang kabilang sa isinumiteng 24-katao para matugunan ang itinakdang deadline sa ‘entry by sports’ sa kada dalawang taong torneo bago ang magiging pinal na komposisyon ng koponan sa ‘entry by names’ sa Setyembre 30.

Kabilang din sa pool ang naisama na sa Gilas na si Ateneo team captain Thirdy Ravena at kakampi na si Isaac Go pati na rin sina San Miguel center Christian Standhardinger at Ginebra guard Stanley Pringle.

Ang ibang amateur player sa Gilas pool ay sina De La Salle center Justin Baltazar, UP guard Juan Gomez de Liano, at kabilang sa Batang Gilas na si Dave Ildefonso na nagpapakita ng galing sa National University Bulldogs. (Lito Oredo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *