Kai bomalabs sa Gilas

NALAGAY sa alanganin ang planong paglalaro ni Kai Sotto para sa Gilas Pilipinas sa ikatlong window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa susunod na taon.

The post Kai bomalabs sa Gilas first appeared on Abante.

kai bomalabs sa gilas - Kai bomalabs sa Gilas
Kai Sotto - Kai bomalabs sa Gilas

NALAGAY sa alanganin ang planong paglalaro ni Kai Sotto para sa Gilas Pilipinas sa ikatlong window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa susunod na taon.

Ito ay dahil planong magsagawa ng bubble tournament ang NBA G League kung saan ay miyembro ang 7-foot-2 behemoth ng Team Ignite.

Sa report ni Jonathan Givony ng Draft Express, plano ng G League na mag-bubble tournament sa Pebrero tampok ang 18 koponan kasama ang team ni Kai.

Una nang nagpahayag ng interes si Sotto na maglaro para sa Gilas Pilipinas.

“The G League Ignite squad will be the 18th team participating. G League teams say they are expecting to play a minimum of 12 games not including the playoffs,” ayon sa statement ng liga.

Sasabak ang Gilas sa third window kontra Korea sa Pebrero 18, kontra Indonesia sa Pebrero 20 at kontra ulit Korea sa Pebrero 22.

Unang season naman ni Sotto sa NBA developmental league at makakasama niya sa Team Ignite ang mga top high school star ng Amerika na sina Jalen Green at Jonathan Kuminga. (Aivan Episcope)

The post Kai bomalabs sa Gilas first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *