Kahit walang Lassiter, SMB pasabog

Winalis ng Rain or Shine ang Blackwater sa PBA Commissioner’s Cup quarterfinals para umabante sa semis laban sa nag-aabang na San Miguel Beer.

The post Kahit walang Lassiter, SMB pasabog appeared first on Abante News Online.

kahit walang lassiter smb pasabog - Kahit walang Lassiter, SMB pasabog
ABANTE lassiter - Kahit walang Lassiter, SMB pasabog

Semis Game 1 ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
6:30pm — Rain or Shine vs. SMB

Winalis ng Rain or Shine ang Blackwater sa PBA Commissioner’s Cup quarterfinals para umabante sa semis laban sa nag-aabang na San Miguel Beer.

Game 1 ng best-of-five sa Smart Araneta Coliseum mamaya.

Nilusaw ng Beermen ang twice-to-beat advantage ng No. 2 NorthPort para bumalik sa final four.

Sa tindi ng komposisyon ng SMB, hindi naniniwala si Elasto Painters coach Caloy Garcia na na-upset ang Batang Pier.

“If you beat San Miguel, ‘yun ang upset,” anang coach pagka­tapos ng manipis na 85-83 series clincher Huwebes ng gabi.

Nasa Big Dome din si Beermen coach Leo Austria, pinanood ang bakbakan ng Painters at Elite.

“Siguro masaya sila na kami nakalaban kasi mas maliit kami sa Blackwater,” dagdag ni Garcia.

May triple tower ang Beer kina Chris McCullough, June Mar Fajar­do at Christian Standhardinger. May Chris Ross, Alex Cabagnot, Arwind Santos at Terrence Romeo pa.

Wala ang gunner ng SMB na si Marcio Lassiter dahil sa knee injury na nakuha sa Game 2 ng NorthPort series.

“Kahit naman wala si Lassiter, they have too many weapons in that team,” pakli ni Garcia. “Sina ­(Ronald) Tubid, (Von) Pessumal who’s been stepping up this conference. Going into the semis, iba na ang laro nina Ross, sina Cabag­not.” (Vladi Eduarte)

The post Kahit walang Lassiter, SMB pasabog appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *