Kaaway hanap ni Rachel Anne

NAGHAMON ng isang Mobile Legends battle si Cignal HD Spikers star Rachel Anne Daquis.

kaaway hanap ni rachel anne - Kaaway hanap ni Rachel Anne
Rachel Anne Daquis 1 - Kaaway hanap ni Rachel Anne

NAGHAMON ng isang Mobile Legends battle si Cignal HD Spikers star Rachel Anne Daquis.

Simula nang mag-stream ito noong Hunyo at tatlong beses pang naging MVP sa nasabing online game ay hindi na ito tumigil maglaro.

Kaya naman, hanap ngayon ng sikat na balibolista ang handang kumasa sa kanyang hamon.

“Naghahanap ako ng kalaban na medyo machachallenge ako kasi tinatalo yung mga kalaro ko. So, eto na iniimibitahan ko ang mga fellow HD Spikers, sinong gustong tumalo sakin?” hirit ng veteran open hitter.

“Hintayin na lang natin kung sino ang mag-aaccept ng aking hamon. So, alam ko naman guys na kahit matalo, manalo at puro yabang lang ako ay proud parin kayo sakin,” sambit pa ni Daquis. (JAT)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *