Junior Altas overall champ sa NCAA

NASUNGKIT ng University of Perpetual Help System Dalta (UPHSD) Junior Altas ang kauna-unahan nitong General Championship sa 2018-2019 National Collegiate Athletic Association (NCAA) mula nang sumali ito sa liga noong 1984.

The post Junior Altas overall champ sa NCAA appeared first on Abante News Online.

junior altas overall champ sa ncaa - Junior Altas overall champ sa NCAA
ALTAS - Junior Altas overall champ sa NCAA

NASUNGKIT ng University of Perpetual Help System Dalta (UPHSD) Junior Altas ang kauna-unahan nitong General Championship sa 2018-2019 National Collegiate Athletic Association (NCAA) mula nang sumali ito sa liga noong 1984.

Nakaposte ng 365 overall points ang Junior Altas at tinalo ang five-time General Champion na San Beda University Red Cubs, na nagkasya na lamang sa first runner-up bitbit ang 363.5 points habang second runner-up naman ang Arellano Braves na may 302.5 points.

Naghari sa chess, indoor volleyball, beach volleyball, at track and field ang Juniors Altas na may 50 puntos kada sports, nag-1st runner-up naman ito sa swimming na may 40 puntos, 3rd runner-up sa table tennis at football para sa 30 puntos, nakasikwat ng 20 puntos para sa basketball at lawn tennis, 15 punto sa badminton at 10 puntos sa taekwondo.

“We congratulate the whole team and the whole of UPHSD community is proud of the accomplishments” wika ni NCAA Policy Board Chair at UPHSD president Anthony Tamayo.

Ang awarding ceremony ng General Champions ay ginanap noong Huwebes, Marso 28, kasabay ng NCAA Cheerleading Championship sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

The post Junior Altas overall champ sa NCAA appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *