June Mar kakalawangin

Inaasahan ng San Miguel Beer na makakalaro na si June Mar Fajardo sa Philippine Cup na magpapasimula ng 46th season ng PBA sa April, pero agad na sumalag si coach Leo Austria.

The post June Mar kakalawangin first appeared on Abante.

june mar kakalawangin - June Mar kakalawangin
abante jun mar fajardo - June Mar kakalawangin

Inaasahan ng San Miguel Beer na makakalaro na si June Mar Fajardo sa Philippine Cup na magpapasimula ng 46th season ng PBA sa April, pero agad na sumalag si coach Leo Austria.

Aminado ang nine-time champion coach na hindi malayong may kalawang pa ang kanyang prized center na isang taong naburo matapos operahan ang nabaling alulod bago ang nakaraang season.

Kaya hindi ibig sabihin ay babawiin na agad ng Beermen ang korona ng all-Filipino na limang taon nilang hawak bago inagaw ng Ginebra sa Pampanga bubble noong December.

“’Di natin alam kung game-shape na si June Mar,” ani Austria. “We must remember na mahigit siyang one year na ‘di naglaro. Pagbalik niyan wala pa sa timing, ‘yung rhythm niya off pa.”

Matagal-tagal pa bago bumalik ang dating porma ng 6-foot-10 na big man na nagbigay sa kanya ng six straight MVP award.

Mahirap bumalik sa trono ng import-less tournament lalo’t walang pick sa susunod na draft ang SMB.

“The other teams, sigurado magpapalakas din ang mga ‘yan through the draft na wala kaming picks in the first two rounds,” punto ni Austria.

Kelan lang ay sinabi ni SMC sports director Alfrancis Chua na binigyan na ni orthopedic surgeon Dr. Raul Canlas si Fajardo ng go-signal na maglaro. (VE)

The post June Mar kakalawangin first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *