Jordan ‘di kaya ang socmed

MALAMANG na hindi kayanin ni basketball legend Michael Jordan ang social media kung nauso noong panahon niya.

The post Jordan ‘di kaya ang socmed first appeared on Abante.

jordan di kaya ang socmed - Jordan ‘di kaya ang socmed
mj - Jordan ‘di kaya ang socmed

MALAMANG na hindi kayanin ni basketball legend Michael Jordan ang social media kung nauso noong panahon niya.

Dalawang three-peat sa Chicago Bulls sa NBA noong 1990s, sa pangalawang pagkakataon ay nag-retire noong ’98 bago bumalik noong 2001 para maglaro sa Washington.

Nag-for good ang retirement niya noong 2003 – wala pang Twitter o Instagram nu’n.

Ngayon, kasing-importante na ng sneakers ang social media sa players.

Direktang koneksiyon sa fans, hindi pa sila mag-aalalang ma-misquote kung galing mismo sa kanila ang post.

Sa interview ng Cigar Aficionado, nabanggit ni Jordan na masyado na raw na-invade ang personalities ng players at celebrities sa socmed.

May naitatago pang pribadong bagay noong panahon ni Jordan. Hindi sila ligtas sa kontrobersiya, pero may limitasyon pa. Inintriga na noon si Jordan nang bumiyahe sa Atlantic City para magsugal sa bisperas ng Game 2 ng 1993 Eastern Conference finals kontra Knicks.

Kung ngayon nangyari ‘yun, pinagpiyestahan na siya.

“I don’t know if I could’ve survived in this Twitter (era), where you don’t have the privacy that you’d want and what seems to be very innocent can always be misinterpreted,” dagdag ng itinuturing na GOAT. (Vladi Eduarte)

The post Jordan ‘di kaya ang socmed first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *