Jones katog tuhod kay Tyson

MARAMI ang nag-aalala para kay Roy Jones Jr. sa nakatakdang exhibiton match nila ni former undisputed heavyweight champion Mike Tyson.

jones katog tuhod kay tyson - Jones katog tuhod kay Tyson
abante mike tyson - Jones katog tuhod kay Tyson

MARAMI ang nag-aalala para kay Roy Jones Jr. sa nakatakdang exhibiton match nila ni former undisputed heavyweight champion Mike Tyson.

Isama mo na siya sa mga dinadaga.

“His legs are huge and his thighs are huge. His arms are huge and his neck is huge! It’s very risky, yes. But God’s in control of all,” sey ni Jones patungkol sa September 12 duel nila ni ‘Iron Mike’ sa Los Angeles.

Ilang ulit nang nakikita sa mga social media post ang nakakatakot na pangangatawan ng 54-anyos na ngayong si Tyson, na pukpukan sa gym sa kanyang mga workout.

Ang 51-taong gulang namang si Jones, huling lumaban taong 2018 pero naniniwalang magandang bakbakan ang ipapakita nila ni Tyson.

“It’s like David and Goliath. He’s a giant monster, we know. I’m little David and all I’ve got is God on my side, which is all I’m gonna need,” sambit pa ni Jones.

“I’m happy that this fight between me and Mike Tyson will happen! I was always ready and will be ready this time as well.” (Ferdz Delos Santos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *