Jokic, Nuggets sinipa ang Jazz

NAGKATALO sa final possession, natapos na ang duelo nina Jamal Murray at Donovan Mitchell.

The post Jokic, Nuggets sinipa ang Jazz first appeared on Abante.

jokic nuggets sinipa ang jazz - Jokic, Nuggets sinipa ang Jazz
abnate nikola jokic - Jokic, Nuggets sinipa ang Jazz

NAGKATALO sa final possession, natapos na ang duelo nina Jamal Murray at Donovan Mitchell.

At sa huli, si Murray at ang Denver ang aabante sa second round ng West playoffs.

Nambarako si Nikola Jokic ng 30 points at 14 rebounds para ihatid ang Nuggets sa manipis na 80-78 panalo sa deciding game Martes ng gabi sa Orlando.

Si Jokic ang naglista ng huling dalawang puntos nang makawala at ibaon ang hook shot na bumasag sa huling deadlock sa 78-78, 27 seconds na lang.

Pinag-impake si Mitchell at ang Utah Jazz, Denver din ang unang team na nakabalik mula 3-1 deficit para ariin ang series sa playoffs pagkatapos ni LeBron James at ng Cavaliers noong 2016 NBA Finals.

Limitado sa 17 points si Murray, pero may 10 points at 9 boards off the bench si Michael Porter Jr. para sa Denver.

Nagsumite si Mitchell ng 22 markers at 9 rebounds, may 19 at 18 si Rudy Gobert pero naubusan ang Jazz.

Hahamunin ng Nuggets sina Kawhi Leonard, Paul George at Clippers sa next round.

Nabaon na ng 19 sa first half ang Utah pero pinangunahan ni Mitchell ang comeback sa third. Pagdating ng fourth, si Gobert naman ang nam-bulldozer sa loob.

Kumapit lang ang Denver sa dulo para ipreserba ang panalo sa unang Game 7 ng Orlando bubble.

Pagtunog ng final buzzer, nagyakapan sa gitna ng court sina Mitchell at Murray. (VE)

The post Jokic, Nuggets sinipa ang Jazz first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *