Jokic, Murray sinaluduhan

Kadalasan, tampok sa story ang mga winning team lalo sa playoffs.

The post Jokic, Murray sinaluduhan first appeared on Abante.

jokic murray sinaluduhan - Jokic, Murray sinaluduhan
tonite jokic murrat - Jokic, Murray sinaluduhan

Kadalasan, tampok sa story ang mga winning team lalo sa playoffs.

Iba ang Denver, maraming pinahanga kahit natapos sa limang laro ang kampanya sa NBA West finals.

Marami ang sumaludo sa Nuggets pagkatapos ng 117-107 loss sa Lakers nitong Sabado.

Walang nag-akala na aabot nang ganun kalalim sa postseason ang Nuggets.

Nagmilagro sina Nikola Jokic at Jamal Murray. Hindi lang minsan, dalawang beses pang umahon mula 3-1 deficit para agawin ang panalo – kontra Jazz sa first round at Clippers sa second.

Sa pangatlo, naubusan na sila kina LeBron James at Anthony Davis.

Muntik lang.

Abante pa ang LA 82-73 sa 3:59 ng third quarter pero hindi na sila umiskor hanggang ibaba ng Denver sa 82-80 51 seconds sa period.

Pati Lakers fans, respetado sila.

Malayo pa ang mararating ng Nuggets. Si Jokic ay 25 lang, 23 si Murray at 22 si Michael Porter Jr.

Walang marquee names sa lineup, namulot lang ng latak ang Nuggets – No. 47 pick si Paul Millsap, 41st si Jokic at 39th si Jerami Grant. (Vladi Eduarte)

The post Jokic, Murray sinaluduhan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *