Jokic, Denver Nuggets umahon sa kumunoy

GUMAPANG mula sa 16 puntos na pagkakalubog ang Denver Nuggets upang kalusin ang Los Angeles Clippers, 111-105, Sabado sa Game 5 ng 2019-2020 NBA second round playoffs.

The post Jokic, Denver Nuggets umahon sa kumunoy first appeared on Abante.

jokic denver nuggets umahon sa kumunoy - Jokic, Denver Nuggets umahon sa kumunoy
Denver 1 - Jokic, Denver Nuggets umahon sa kumunoy

GUMAPANG mula sa 16 puntos na pagkakalubog ang Denver Nuggets upang kalusin ang Los Angeles Clippers, 111-105, Sabado sa Game 5 ng 2019-2020 NBA second round playoffs.

Uminit ang shooting ni Nikola Jokic sa payoff period, nagtala ng mga importanteng tres upang isalba ang Nuggets at makahirit ng Game 6.

Kumayod si center Jokic ng 22 points, 14 rebounds at limang assists para sa Denver na naghahabol pa rin sa serye, 2-3.

Kailangan ng Nuggets na manalo pa ng dalawang beses para makasampa sa Western Conference Finals.

Gumapang ang Nuggets sa second at third quarter, pinilit nilang ibaba ang abante ng Clippers papasok ng fourth quarter.

Nakatuwang ni Jokic sina Paul Millsap at Jamal Murray upang maisakatuparan ang asam na panalo.

Namuno sa opensa ng Denver si Murray na may 26 puntos habang 17 ang inambag ni Millsap.

Nawalan ng saysay ang 36 markers at siyam na rebounds ni Kawhi Leonard dahil naudlot na isampa ang Clippers sa susunod na phase. (Elech Dawa)

The post Jokic, Denver Nuggets umahon sa kumunoy first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *