Jockey Jessie Guce haharabas

SISIKAPIN ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey-of -the-Year awardee Jessie Guce na maipanalo si Heneral Kalentong sa 2020 Philracom 2nd Leg Triple Crown Stakes Race upang mamuro ito sa asam na sweep.

The post Jockey Jessie Guce haharabas first appeared on Abante.

jockey jessie guce haharabas - Jockey Jessie Guce haharabas
karera 4 - Jockey Jessie Guce haharabas

SISIKAPIN ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey-of -the-Year awardee Jessie Guce na maipanalo si Heneral Kalentong sa 2020 Philracom 2nd Leg Triple Crown Stakes Race upang mamuro ito sa asam na sweep.

Pangarap ng mga jockey na makawalis din ng prestihiyosong Triple Crown upang bukod sa kabayong ginabayan ay mailagay din ang pangalan nila sa kasaysay.

Kaya ngayong araw ay tiyak na gagawin lahat ni class A rider Guce na itawid na una sa meta si Heneral Kalentong sa nasabing event na gaganapin sa pista ng Santa Ana sa Naic, Cavite.

“Magaling na hinete si Guce, nagmana ‘yan sa kanyang tatay na si’ El Maestro’ jockey Jesus ‘Bong’ Guce kaya malaki ang tsansa na manalo ulit si Heneral Kalentong, ” saad ni Ben Cortez, karerista na taga-Paco.

Nakataya ang P1.8M na premyo sa mananalong kabayo kaya panigurado na mapapalaban si first leg winner Heneral Kalentong kina Tifosi, Prime Time Magic, Runway, Cartierruo at Four Strong Wind.

Suportado ng Philippine Racing Commission, hahamigin ng second placer ang P675,000 habang tatanggapin ng third at fourth ang halagang P375,000 at P150,000 ayon sa pagkakasunod. (Elech Dawa)

The post Jockey Jessie Guce haharabas first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *