Jockey Guerra multa, Siego winarningan

PINAGMULTA at binigyan ng warning ang dalawang hinete matapos ang mga karera nitong Linggo sa pista ng San Lazaro sa Carmona, Cavite.

jockey guerra multa siego winarningan - Jockey Guerra multa, Siego winarningan
ABANTE marho horse - Jockey Guerra multa, Siego winarningan

PINAGMULTA at binigyan ng warning ang dalawang hinete matapos ang mga karera nitong Linggo sa pista ng San Lazaro sa Carmona, Cavite.

Nagbayad ng P1,000 si class B Jockey EG Guerra dahil nahuli siya ng dating sa kanyang sakay kay Kingwash Awesome, nilabag nito ang PR 76 C Rules and Regulations ng Philippine Racing Club, Inc. (PRCI).

Binigyan naman ng warning ng Board of Stewards si GL Siego dahil sa bahagyang pag-awat sa kanyang sakay na si Big Big Brown.

Pinatawan naman ng suspension ang mga kabayong Mahilig at More Or Less.

Indifinite suspension ang ibinigay kina Mahilig at More Or Less pero hindi tatagal ng 10 araw at kailangan nitong tumakbo sa barrier trial para makakuha ng clearance mula sa Regulation and Lincensing Division (RLD).

“More Or Less and Mahilig suffered Bilateral Epistaxis,” nakasaad sa statement ng PRCI. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *