Jockey Cortez panay panalo

NAMAMAYAGPAG si reigning Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year awardee O’Neal P. Cortez sa listahan ng may pinakamaraming panalo sa buwan ng Hunyo.

The post Jockey Cortez panay panalo appeared first on Abante News Online.

jockey cortez panay panalo - Jockey Cortez panay panalo
race 9 - Jockey Cortez panay panalo

NAMAMAYAGPAG si reigning Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year awardee O’Neal P. Cortez sa listahan ng may pinakamaraming panalo sa buwan ng Hunyo.

Naglabas ang Philippine Racing Commission (PHILRACOM) ng datos na nakakolekta si class A rider Cortez ng 65 na panalo, 66 na segundo at 53 na tersero.

Segundo si former PSA JoY Jessie Guce na may nalikom na 62 wins, 47 – 2nd at 47 – 3rd habang pa­ngatlo si apprentice rider PM Cabalejo na may 53, 60, 49 panalo-segundo-tersero.

Maraming panatiko ni Cortez ang natuwa sa inilabas na balita ng PHILRACOM.
“Kung ilang beses siyang nanano ay iyon din ang beses na namuro ako dahil lahat ng takbo ni idol (Cortez) ay sinusundan ko ng taya,” masayang sabi ni Antonio Rivera, panatiko ni Cortez.

Si Cortez ang sumakay kay reigning PSA Horse of the Year awardee Sepfourteen nang manalo ito sa Presidential Gold Cup noong December 2018.

Nitong Sabado lang sa pista ng Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas ay nagpanalo si Cortez, ginabayan nito si Kickback upang sikwatin ang Three-Year-Old Group Race category 7. May mga naipanalo rin siya nitong Linggo. (Elech Dawa)

The post Jockey Cortez panay panalo appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *