Jinkee ala-LV, Chanel, Hermes ang b-day cake

Parang nanliligaw ulit si Sen. Manny Pacquiao sa mga paandar niya sa misis na si Jinkee Pacquiao. Lumabas nga ang pagiging cheesy ni Pacman kay Jinkee sa mga sunod-sunod na chika niya bilang pagbati sa birthday ni Jinkee.

The post Jinkee ala-LV, Chanel, Hermes ang b-day cake first appeared on Abante.

jinkee ala lv chanel hermes ang b day cake - Jinkee ala-LV, Chanel, Hermes ang b-day cake
jinkee - Jinkee ala-LV, Chanel, Hermes ang b-day cake

Parang nanliligaw ulit si Sen. Manny Pacquiao sa mga paandar niya sa misis na si Jinkee Pacquiao. Lumabas nga ang pagiging cheesy ni Pacman kay Jinkee sa mga sunod-sunod na chika niya bilang pagbati sa birthday ni Jinkee.

“I wish I could put into words how much you mean to me! Thank you for being an amazing wife and mother to our kids. Happy Birthday babe! @jinkeepacquiao,” ang isa sa mga paandar ni Manny.

Mistulang mga bagong honeymoon din ang peg nina Pacman at Jinkee sa pagpunta nila sa San Benito Farm para mag-celebrate ng kaarawan ng huli.

Pero siyempre, kasama rin nila ang kanilang mga anak sa bakasyon na `yon. Masisilip nga sa IG story ni Jinkee ang dinner nilang pamilya na kung saan ay tinutugtugan pa sila ng violin ng dalawang musikero, habang lumalafang.

Masisilip din ang pagsorpresa ni Pacman kay Jinkee na may bitbit na mga bulaklak at cake.

And speaking of cake, kaloka na talagang bumaha ng mga cake sa sobrang dami. Pero, ang isang cake na umagaw ng atensiyon ay ang cake na dinisenyuhan ng mga pinagsama-samang ‘Chanel’, ‘Louis Vuitton’ at ‘Hermes’ ha! Talagang pati sa cake, naisipang gawing branded ang effect ng mga nagregalo, ha!

Anyway, super happy naman si Jinkee sa birthday niya dahil kahit pandemic, nagawa niyang mag-celebrate, kahit simple lang. Hindi nga tulad noon na super bongga na sangkatutak ang mga bisita. (Dondon Sermino)

The post Jinkee ala-LV, Chanel, Hermes ang b-day cake first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *