Jerrili, FEU tinakasan ang UE

NATAKASAN ng Far Eastern University Lady Tamaraws ang University of the East Lady Red Warriors 25-15, 16-25, 12-25, 25-22, 17-15, Sabado sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

The post Jerrili, FEU tinakasan ang UE appeared first on Abante News Online.

jerrili feu tinakasan ang ue - Jerrili, FEU tinakasan ang UE
Abante 2019 Jerrili Malabanan - Jerrili, FEU tinakasan ang UE

NATAKASAN ng Far Eastern University Lady Tamaraws ang University of the East Lady Red Warriors 25-15, 16-25, 12-25, 25-22, 17-15, Sabado sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Bagaman hindi nag­laro ang super rookie ng FEU na si Lycha Ebon dahil sa injury, ariba pa rin ang mga taga-Morayta sa unang set.

Pero nag-iba ang ikot ng bola pagpasok ng second at third set kung saan mas umalagwa pa ang laro ng Lady Red Warriors hanggang sa muling umangat sa fourth ang Lady Tamaraws.

“‘Yun naman ‘yung hinahanap namin sa dulo eh, ‘yung mga veteran namin. Sabi ko nga sa kanila after ng fourth, it’s not about Lycha (Ebon), siyempre ang naging motivation namin ‘yung pagkawala niya kasi ayaw ko naman na lilitaw na matatalo ‘yung team dahil wala siya,” sabi ni FEU coach George Pascua.
Naging mas gitgitan pa ang laro sa pagitan ng dalawang tropa nang mula 14-11 na bentahe ng Lady Tamaraws ay nabura at naitabla ito ng Lady Red Warriors sa likod ng dalawag aces ni Zilfa Olarve.

Kamuntikan nang manakaw ng UE ang laro, umangat ito sa tulong ng off the block kill ni Judith Abil, 15-14, pero agaran ding nawala ang tsansa nito nang mag-net touch si Abil at mula rito ay tinapos na ni Jerrili Malabanan ang laro. (Fergus Jo­sue, Jr.)

The post Jerrili, FEU tinakasan ang UE appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *