Jazz pinulbos Cavs sa bagsik ni Clarkson

Hindi maawat si Fil-American Jordan Clarkson sa pagpapakitang gilas sa Utah Jazz.

The post Jazz pinulbos Cavs sa bagsik ni Clarkson first appeared on Abante.

jazz pinulbos cavs sa bagsik ni clarkson - Jazz pinulbos Cavs sa bagsik ni Clarkson
3 6 - Jazz pinulbos Cavs sa bagsik ni Clarkson

Hindi maawat si Fil-American Jordan Clarkson sa pagpapakitang gilas sa Utah Jazz.

Kumayod si former Gilas Pilipinas star player Clarkson ng 21 points at walong rebounds upang akbayan ang Jazz sa 117-87 panalo kontra Cleveland Cavaliers kahapon sa 2020-2021 NBA regular season.

Sinamantala ni Clarkson ang pagkawala ni Cavaliers star center Andre Drummond upang makatira ito sa loob at hindi puro sa three-point area.

Uminit ang opensa ni Clarkson kaya naman limang tres ang kanyang sinalpak para lumamang ng 28 puntos ang Jazz, 87-59, sa pagtatapos ng third period.

Si Donovan Mitchell ang namuno sa puntosan para sa Utah, nagtala ito ng 27 markers.

May kartang 7-4 ang Jazz, kasalo nila ang Phoenix Suns at Los Angeles Clippers sa second spot ng Western Conference.

Nalasap naman ng Cavs ang pangpitong kabiguan sa 12 laro. (Elech Dawa)

The post Jazz pinulbos Cavs sa bagsik ni Clarkson first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *