Jazz nilatigo Bucks: 5 tres binaon ni Clarkson

PATULOY ang pagpapakitang gilas ni Filipino-American Jordan Clarkson matapos tulungan ang Utah Jazz na kalusin ang Milwaukee Bucks, 131-118, kahapon sa 2020-2021 NBA regular season.

The post Jazz nilatigo Bucks: 5 tres binaon ni Clarkson first appeared on Abante.

jazz nilatigo bucks 5 tres binaon ni clarkson - Jazz nilatigo Bucks: 5 tres binaon ni Clarkson
clarkson 2 - Jazz nilatigo Bucks: 5 tres binaon ni Clarkson

PATULOY ang pagpapakitang gilas ni Filipino-American Jordan Clarkson matapos tulungan ang Utah Jazz na kalusin ang Milwaukee Bucks, 131-118, kahapon sa 2020-2021 NBA regular season.

Kulang sa armas ang Jazz pero sumapat ang limang tres na pinukol ni former Gilas Pilipinas star player Clarkson para akbayan ang Utah sa kanilang panglimang panalo sa siyam na salang.

Hindi nakalaro ang tinaguriang “Iron Man” na si Joe Ingles pero mula sa bench ay dinampot si Clarkson upang umiskor ng 26 points at anim na rebounds.

Sa kasalukuyan, si Ingles ang may pinakamahabang active streak sa NBA, hindi ito nakalaro dahil injury.

“I know he’d be playing if he could,” patungkol ni Jazz coach Quin Snyder kay Ingles.

“There’s been a lot of times that he’s played through pain and probably an injury that he hasn’t told us about at times.”

Namuno sa opensa para sa Utah si Donovan Mitchell na kumana ng 32 puntos.

Kumayod si reigning two-time Most Valuable Player (MVP) Giannis Antetokounmpo ng 35 puntos para sa Bucks na kapareho ng karta ang Jazz. (Elech Dawa)

The post Jazz nilatigo Bucks: 5 tres binaon ni Clarkson first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *