Janni Banni makikilatis

BAKBAKAN agad ang 14 na kalahok sa Philracom Rating Based Handicap System na ilalarga ngayong araw sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

The post Janni Banni makikilatis first appeared on Abante.

janni banni makikilatis - Janni Banni makikilatis
Philracom 2 - Janni Banni makikilatis

BAKBAKAN agad ang 14 na kalahok sa Philracom Rating Based Handicap System na ilalarga ngayong araw sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Mapapalaban ang mga kabayong Janni Banni at Wiling Willie sa Race 1 kung saan nakalaan ang P30,000 na added prize sa owner ng unang kabayong tatawid sa meta.

Suportado ng Philippine Racing Commission, may distansiyang 1,400 metro ang tatakbuhin ng mga tigasing kabayo.

Tiyak na mabibigyan ng magandang laban sina Janni Banni at Wiling Willie kina My Way at Lady Khaleesi.

“Mahirap na karera, lahat may tsansang manalo lalo na ‘yung mga hindi nakalagay sa KT (Karera Tipsters) ng programa ng karera,” hayag ni Celso dela Torre na may 39 taon nang karerista.

Ang ibang kalahok ay sina Princess Alessi, Wessfacckol, Malatan Og Falls, Rhea’s Choice, Yoshiko, Cambari Island, Bullish Desire, Pamato, A Certain Smile at Daldalero.

Samantala, sa susunod na Linggo na pakakawalan ang pinakahihintay na Presidential Gold Cup race kung saan masisilayan ang defending champion na si Super Sonic. (Elech Dawa)

The post Janni Banni makikilatis first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *