Jamie, PH karateka kakatok sa Olympics

Hindi pa namamaalam ang 2020 ay nakatutok na agad ang national karatekas sa mga sasalihan kompetisyon sa susunod na taon bilang paghahanda sa Olympic Games qualifying tournament.

The post Jamie, PH karateka kakatok sa Olympics first appeared on Abante.

jamie ph karateka kakatok sa olympics - Jamie, PH karateka kakatok sa Olympics
jamie 2 - Jamie, PH karateka kakatok sa Olympics

Hindi pa namamaalam ang 2020 ay nakatutok na agad ang national karatekas sa mga sasalihan kompetisyon sa susunod na taon bilang paghahanda sa Olympic Games qualifying tournament.

Tinatayang tatlong international competition ang sasalihan ng national karatekas na magsisimula sa Pebrero.

Sasalihan nila ang World Karate Federation Premier League tournament sa Lisbon, Portugal, Premier League tournament sa Azerbaijan, Turkey at Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) sa Thailand.

Ang Olympic qualifying tournament ay aarangkada sa Hunyo 11-13 sa Paris, France kung saan ang top three finishers sa bawat weight division ang makakakuha ng tiket para sa Tokyo Olympics.

Ipananargo ng Karate Pilipinas Sports Foundation Inc. (KPSF) sina Fil-Japanese Junna Tsukii, Joanne Orbon, Alwyn Batican, Ivan Agustin, Sharief Afif at Jamie Lim anak ni PBA legend Samboy Lim.

Ang may ticket pa lang sa Olympic ay sina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno. (Elech Dawa)

The post Jamie, PH karateka kakatok sa Olympics first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *