Jamie, Junna sasabak sa Turkey

DETERMINADO ang karate federation na makasungkit ng tiket ang kanilang mga bataan sa Olympic Games sa 2021 kaya nais nilang isalang sina Junna Tsukii at Jamie Lim sa training camp sa Istanbul, Turkey.

The post Jamie, Junna sasabak sa Turkey first appeared on Abante.

jamie junna sasabak sa turkey - Jamie, Junna sasabak sa Turkey
abante jaime - Jamie, Junna sasabak sa Turkey

DETERMINADO ang karate federation na makasungkit ng tiket ang kanilang mga bataan sa Olympic Games sa 2021 kaya nais nilang isalang sina Junna Tsukii at Jamie Lim sa training camp sa Istanbul, Turkey.

Sina Tsukii at Lim ay mga 30th Southeast Asian Games gold medalist, balak silang dalhin sa Turkey sa Pebrero sa susunod na taon para mag-training at pagkatapos sasalang sa Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) sa Thailand bago tumungo ng Paris para sa Olympic qualifying tournament.

“First week of February, dapat makaalis na rin ang national team para mag-training sa Istanbul,” wika ni Karate Pilipinas Sports Federation, Inc. (KPSFI) president Richard Lim.

Si Jamie ay anak ni PBA great Samboy Lim, sa ngayon ay nakatengga ang karateka athletes dahil wala pang go signal na maari na sila magsimula ng training.

“Sana maumpisahan na ‘yung bubble training namin sa Inspire Academy sa Laguna,” hayag ni Lim. (Elech Dawa)

The post Jamie, Junna sasabak sa Turkey first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *