James relaks sa 1st half ng NBA

PETIK-PETIK lang si LeBron James sa first half ng susunod na 75th season, hindi pa muna isasagad ang tapak sa silinyador.

The post James relaks sa 1st half ng NBA first appeared on Abante.

james relaks sa 1st half ng nba - James relaks sa 1st half ng NBA
abante lebron james 2 - James relaks sa 1st half ng NBA

PETIK-PETIK lang si LeBron James sa first half ng susunod na 75th season, hindi pa muna isasagad ang tapak sa silinyador.

Edad 35 na si James nang masungkit ang pang-apat niyang NBA championship, inihatid ang Lakers sa 17th nang kalusin sa anim na laro ang Heat noong Oc. 11.

Pagdating ng January, 36 na ang The King. Kailangan na ring maghinay-hinay para hindi masagad ang tuhod.

Sa ‘The Shop’ sa HBO, na-interview nina Barack Obama at business partner niyang si Maverick Carter, nabanggit niyang “cherry-picking” lang muna siya sa umpisa ng 2020-21.

Pabirong tinatanong ni Carter kung 5 o 10 years pa si LeBron na maglalaro.

“He’s definitely gonna have some minutes restrictions,” sabat ni Obama. “I’m not sure he’s getting back on D the first half of the season.”

Tumatawang sagot ni James:

“The first half of the season, I’m cherry-picking the whole first half of the season.”

May halong biro ang pagkakasabi ni James, pero may katotohanan din.

Ang teammate niyang si Danny Green, naniniwalang gagarahe muna sa first month si LeBron at iba pang superstars. (Vladi Eduarte)

The post James relaks sa 1st half ng NBA first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *