James gigil sa ika-4 na titulo

Pinakamatinding hamon sa 17 years ni LeBron James sa NBA ang pagpasok sa Orlando bubble.

The post James gigil sa ika-4 na titulo first appeared on Abante.

james gigil sa ika 4 na titulo - James gigil sa ika-4 na titulo
tonite lebron james - James gigil sa ika-4 na titulo

Pinakamatinding hamon sa 17 years ni LeBron James sa NBA ang pagpasok sa Orlando bubble.

Higit dalawang buwan na sa Disney World Resorts si LeBron.

Ang team niya sa kasalukuyang Lakers at dati niyang koponan na Heat na lang ang naiwan sa loob.

Magbubuno ang Los Angeles at Miami sa NBA Finals umpisa ngayon.

Kapagod, kabagot din sa loob ng bubble.

“It’s probably been the most challenging thing I’ve ever done as far as a professional, as far as committing to something and actually making it through,” pahayag ni James sa media day kahapon.

Mula raw Day 1 doon, ikinondisyon na ni LeBron ang utak at sarili sa iisang misyon lang – ring.

“I’m here for one reason and one reason only, and that’s to compete for a championship. That was my mindset once I entered the bubble, once I entered the quarantine process the first two days,” giit niya.

Kinuha ni LeBron ang unang dalawang championship sa Heat, back-to-back noong 2012-2013. Sinikwat niya ang pangatlo noong 2016 sa Cleveland. (Vladi Eduarte))

The post James gigil sa ika-4 na titulo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *