James-Davis tandem nagpaastig sa Lakers

HIWALAY na si LeBron James sa young turks ng Los Angeles Lakers, pero magkakasama naman sila ng isa sa pinakamaangas na big man ng NBA sa susunod na season.

The post James-Davis tandem nagpaastig sa Lakers appeared first on Abante News Online.

james davis tandem nagpaastig sa lakers - James-Davis tandem nagpaastig sa Lakers
lebron 10 - James-Davis tandem nagpaastig sa Lakers

HIWALAY na si LeBron James sa young turks ng Los Angeles Lakers, pero magkakasama naman sila ng isa sa pinakamaangas na big man ng NBA sa susunod na season.

Kasado na ang deal na magdadala kay Anthony Davis sa Lakers kapalit nina point guard Lonzo Ball, forward Brandon Ingram, shooting guard Josh Hart at tatlong first-round draft picks.

Ilang personalidad ang nagkumpirma ng balita sa The Associated Press, pero ‘di magiging official ang trade hanggang July 6. Unang iniulat ng ESPN ang trade.

February pa ay napaulat nang hinahabol ng Lakers si 6-foot-10 Davis, pero lumipas ang trade deadline ay nanatili sa New Orleans ang six-time All-Star na January ay nag-request na ng trade mula sa Pelicans.

Ang above-the-rim play ng 26-anyos na si Davis, isasahog sa all-around performance ng 34-anyos na si LeBron, three-time NBA champion at regular sa Finals – maliban nitong nagdaang season nang mapagsarhan sa postseason ang LA.

Magbubuo ng competitive team ang Pelicans mula sa young core na nakuha sa Lakers, idagdag ang hawak nilang top pick sa NBA draft sa susunod na linggo at ang nakuhang fourth overall selection din ng LA.

Matunog si Duke star Zion Williamson ang magiging top pick nga­yong taon.

‘Di pa opisyal ang trade, pero binasag na agad ito sa Twitter ni Magic Johnson, dating president of basketball operations ng Lakers na nag-resign bago ang final game ng team sa season.

“Great job by owner Jeanie Buss bringing Anthony Davis to the Lakers! Laker Nation, the Lakers are back in a championship hunt!” tweet ni Magic.
“Congratulations to the entire organization. I know LeBron James has a big smile on his face. I’m loving this!!” (VE)

The post James-Davis tandem nagpaastig sa Lakers appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *